Friday 5 August 2011

Ang aking Pamilya

            Ang aking Pamilya ay binubuo nang aking tatay na si Cenon G. Madriaga, ang aking nanay na si Gloria G. Madriaga at ang aking mga kapatid na sina Jose Victor na aming panganay at si Kathleen Joy na siya namang bunso sa aming magkakapatid. Ang aking tatay ay laki sa lalawigan nang Nueva Ecija samantalang ang aking nanay naman sa lalawigan nang Pangasinan. Ang aming panganay ay nakapag tapos ng kolehiyo sa kursong B.S. Nursing at kasalukuyang nag tatrabaho sa Maynila, siya ay kasalukuyang may pamilya na din at may isang anak. Samantalang, ang aming bunso ay kasalukuyang nasa ikalawang antas na sa kolehiyo sa kursong B.S. Accountancy.

           Marami nang napag daanan ang aming pamilya na sumubok narin sa aming pagkatao. Ngunit nanatili parin kaming matatag sa lahat ng pagsubok kaya kami ay buo parin kahit na may konting mga tampuhan. Masaya ang aming pamilya lalo na kung nagkakasama-sama dahil palabiro ang aming pamilya lalo na ang aking tatay. Siya ang pinaka makwela sa aming pamilya at laking tuwa narin namin dahil sa laki nang kanyang pinag bago simula ng sya ay naging aktibo sa simbahan.

           Malayo na nga ang narating nang aming pamilya at mananatili itong matatag ng may takot at may tiwala sa Panginoon. At handa kaming harapin lahat ng pagsubok sa amin nang sama-sama. Malaki ang aking pasasalamat sa Panginoon dahil nagkaroon ako ng ganitong pamilya na tumutulong at sumusoporta sa akin.  

No comments:

Post a Comment