Friday 5 August 2011

Ang aking Sarili

              Ako si Belgiun Bryan G. Madriaga nakatira sa #472 M.N. Lagmay St., Sibut, San Jose City, Nueva Ecija at kasalukuyang nasa dalawangpung taong gulang na. Nagtapos ako ng Elementarya sa eskwelahan ng Village Montessori School at naka dalawang taon ng hayskul sa parehas na eskwelahan din. Nagpatuloy ako ng aking pag-aaral sa University Laboratory High School kung saan ay dun ako nag tapos na aking hayskul. Nag aral ako ng kolehiyo sa Central Luzon State University sa kursong una kong kinuha ang B.S. Civil Engineering at naka dalawang taon ako sa aking unang kurso.

             Tumigil ako sa aking pag-aaral at pinili kong mag trabaho muna dahil narin sa kakulangan namin ng kakayahan upang matustusan ang aking pag-aaral. Naka pasok ako nang trabaho sa isang ahensya ng gobyerno ang Philippine Carabao Center kung saan ako ay nag trabaho sa General Services Unit bilang isang Support Staff. Naka dalawang taon ako sa aking pinag tatrabahuhan at nang nakapag ipon ay pinag patuloy ko ang aking pag-aaral sa dating Unibersidad na aking pinag-aaralan. At ngayon ay kinukuha ko ang kursong B.S. Information Technology. At nais kong makapag tapos nang pag-aaral upang maka tulong ako sa aking pamilya.

No comments:

Post a Comment